Posts

Showing posts from June, 2011

I am a fan of Noncanon Pairings

Image
Made thru fake convos.com

Isang Oras

Isang oras. Ang sabi mo, isang oras lang ako maghihintay sa'yo. Manggagaling ka pa kamo sa malayo. Traffic. Wala kang masakyan. Samu't saring mga dahilan, sige tinatanggap ko. Basta isang oras. Isang oras lang. Uupo lang ako, magmamasid, sisipol, kakanta. Kahit ano'ng pampalipas oras gagawin ko. Matagal tagal rin ako'ng maghihintay. Langgamin man ako. Papakin man ako ng lamok. Sige, iindahin ko. Basta maghihintay ako ng isang oras. Isang oras ha? Dalampu't walong beses na ko tumitingin sa relos ko. Tila kay bagal ng pagtakbo ng oras. Sa bawat paggalaw ng mahabang kamay ng orasan, naririnig ko. Dahil kada segundong lumilipas, bumibilis ang paghinga ko. Papalapit ng papalapit ang pagkikita natin. At kahit nauumay na ko panuorin ang magkasintahan sa gilid ko na kanina pa nagpapalitan ng laway, sige kakayanin ko. Basta maghihintay ako ng isang oras. Isang oras... daw. Nagdududa na ko. Parang napakabagal talaga ng pagp