Isang Mata...Ilong...Labi

Mahirap umasa, pero masarap mangarap… Bakit ba kay hirap mo’ng abutin? Parang sasakyan ka lang ah. I mean para kang jeep ng Sta. Ana Tulay na sinasakyan naming ng kaibigan kong si Lariz papasok sa UP Manila at pauwi. Hanggang Tulay lang dapat yung jeep, pero lumampas at dumirecho pa hanggang Gabby’s. Ako, ibinaba sa Tulay at ikaw sa Gabby’s pa. Tipong parang ang lapit lapit mo lang pero ang hirap mo pa ring matanaw kasi kahit napakalapit lang talaga ng distansiya natin, hindi tayo kailanman magpang-abot.

Kayang kaya naman talaga kitang abutin, e…. lumilihis ka lang palagi ng daan at mas pinipiling mag-long cut kaysa magkita tayong dalawa sa short cut. Ganun ka,e… hindi mo man alam pero ganun ka. Sinasadya mo naman talaga ata,e. Bakit, natatakot ka na baka ma-in love ka sa’kin at mas pipiliin mo na magkaroon ng siyam na buhay kesa mamatay? Come on! Either choose to be with a cat that has nine lives or just choose to die on the spot without a second chance. Naiintindihan mo ba yun? Malamang hindi no. Wala kaya ako’ng planong ipabasa sa’yo to. Mag-feeling ka pa diyan.

Pero alam mo, di pala ko dapat umasa sa isang tingin, isang hawak, isang ngiti, isang akbay… Nagkamali ako… Dapat pala, inalam ko muna ang tunay na kahulugan ng mga yun na nakapailalim pa pala sa mga bagay na yun. Siguro kasi, yun ang gusto ko’ng makita, di man ng aking mga mata, ng third eye ko na nasa loob ng puso ko. Pero ngayon ko lang napagtanto na hindi nga pala tama ang ginagawa ko. Dapat pala, kahit na gaano ko gustong bigyan ng kahulugan, mas dapat palang balewalain ko na lang. In fairness, hindi na yung batok at buhok mo ang pinagsasawaan ko’ng tignan ah! May improvement na! Tumatagilid ka na kaya ngayon. Kaya may mata, ilong, labi, kilay at pisngi na rin--- kalahati nga lang.

At least kalahati na lang yung kailangan kong pagsawaan para tuluyan na kitang makalimutan. Tutal naman, Mukhang mapapadpad ka na sa ibang dako… para at least, kasabay ng paglayo mo ang pagkawala na rin ng damdamin ko para sa’yo.

Mabuti na rin yon, para magising na ko sa bangungot na matagal tagal ko na ring pinagtitiisan. Pinagtiisan ko yun kasi nga para kahit na sa masamang panaginip, maramdaman kong akin ka. Siyempre ulol! Bangungot ko nga. Not yours, but mine. So wag ka magrereact diyan.

Tama nga! Umalis ka na nga bago ko pa mailabas ang totoo kong nararamdaman para sa’yo at magkakaroon ka pa ng problema diyan. Dahil sisiguraduhin ko na kapag dumating yung oras na aaminin ko na sa’yo, hinding hindi mo yun makakalimutan at madadala mo kahit saan.

Sana lang, kapag na-realize mo (kung marerealize mo) na may puwang din pala ako sa puso mo, di pa nagsasawa ang puso ko sa’yo….

… na kahit kalahating ilong, labi, mata, pisngi mo…

… E kuntento pa siya.

Comments

Popular posts from this blog

OF OBLATION MYTHS, SABLAY, PLUS A NOSTALGIC ALUMNA

A Tribute To The Moffatts Part 1: My All-Time Favorite Band

I Ship Dramione