Huling Hirit Para Sa Unang Pag-ibig
Nang mahulog ako sa’yo,
kumuha agad ako ng ballpen at papel. Ganun ako kapag inspirado. Magsusulat.
Bubuo ng isang magandang istorya dahil lamang sa isang pangyayari sa buhay ko.
Sinimulan ko ang istorya
natin nang nagsimula ako maging tanga.
Nag-ubos ako ng oras. Ng
papel. Ng utak. Para lang maganda ang
kalabasan ng istorya nating dalawa. Siyempre naman, ikaw yata ang una kong
pag-ibig. Gusto ko, perpekto ang lahat.
Unang beses ko makaramdam nang mabilis na pagtibok ng puso na walang kinalaman sa pag-inom ko ng kape.
Unang beses ko makaramdam ng pagsakit sa sikmura na walang kinalaman sa paglalabas ng ‘sama ng loob’ sa banyo.
Unang beses ko makaramdam nang mabilis na pagtibok ng puso na walang kinalaman sa pag-inom ko ng kape.
Unang beses ko makaramdam ng pagsakit sa sikmura na walang kinalaman sa paglalabas ng ‘sama ng loob’ sa banyo.
Iba ang naramdaman ko
sa’yo. Sa unang pagkakataon, nasabi ko sa sarili ko na “Sa wakas, nagmahal din
ako.”
Pero alam mo, nararamdaman
ko naman na hindi talaga puwede maging tayo.
Kung ang love story ko
para sa akin at sayo ay isinulat ko para gawing pelikula, malamang hindi
papatok. Lalangawin sa sinehan. Sayang ang gagastusin para sa paggawa ng
pelikula. Paulit ulit lang kasi e. Pabalik balik tayo. Walang katapusang
pag-ikot. Iisa ang kinakalabasan:
Mamahalin kita, masasaktan
ako, kakalimutan kita. Mamahalin kita ulit, masasaktan ulit ako, kakalimutan
ulit kita.
Walang bago. Pareho lang
palagi. Masasaktan lang ako palagi sa huli. Dahil kahit ilang beses ka
magmahal, hindi magiging ako yun. Kaya hindi rin magiging tayo kahit kailan.
Nakakasawa na. Gusto ko na
tigilan ito. Pero alam mo, hanggang may tinta ang ballpen ko, hindi ako titigil
na isulat, kahit paulit ulit, ang istorya natin na wala naman talagang
pinatutunguhan.
Ang sakit ko sa ulo!
Talaga nga naman.
Sa akin na nga siguro ang
problema. Puro kasi ako kalokohan. Alam ko naman kasi na isa lamang kahibangan
ang isang ako at isang ikaw. Na kahit kailan, hindi puwedeng maging isa ang
isang ikaw at isang ako dahil masyado tayong magkaiba.
Sa pagdaan nga ng mga
panahon, dun ba sa bawat pagkakataon na bumabalik ang nararamdaman ko para
sa’yo, sinasabunutan ko ang sarili ko. Ang hirap mo kasi kalimutan. Ang
akala kong wala na. Pero parang allergy kita sa sipon na balik ng balik.
Mawawala pero babalik. Iistorbohin at iistorbohin ako.
Mawawala pero babalik. Iistorbohin at iistorbohin ako.
Pero alam mo, ‘ang mga
panahon at pagkakataong na yun na nabanggit ko ay tapos na. Nagising na lang
ako isang araw na wala na ko pakialam sa’yo pagdating sa kinalaman mo sa puso
ko. Kumbaga sa allergy ko sa sipon, tanggap ko na na nandiyan lang parati.
Hindi na aalis. Pero, hindi na rin ako naaapektuhan dahil sanay na ko. Hindi ko
na pinapansin.
Sa wakas nga, nasabi ko sa
sarili ko, tapos na rin ang parte ng puso ko na kasama ka.
Nga pala, hindi ko na maitutuloy ang istorya natin. Wala na rin kasing space ang notebook na pinagsusulatan ko nito. Dahil sa sobrang daming maling scenes kasi, naubos na.
Saka, nawalan na rin pala ng tinta ang paborito kong ballpen.
Nga pala, hindi ko na maitutuloy ang istorya natin. Wala na rin kasing space ang notebook na pinagsusulatan ko nito. Dahil sa sobrang daming maling scenes kasi, naubos na.
Saka, nawalan na rin pala ng tinta ang paborito kong ballpen.
At isa pa, hindi na kasi uso
ngayon ang nagsusulat sa notebook; sa computer na. E tinatamad na ko i-type ang
naisulat ko na sa notebook sa computer ko.
So mukhang wala na talagang
pag-asa.
Comments