TAMANG PAGKAKAMALI

TAMANG PAGKAKAMALI

Nakakatawa. Parang kailan lang nang iniisip ko na ikaw ang mundo ko, hindi lang ang sentro nito. Isa yung malaking pagkakamali na ipinipilit kong tama para sa’yo. Para sa atin. Pero hindi,e. Kahit balibaligtarin ko ang mundo, ang isang katulad mo ay isa lang pagkakamali. Na minsang tumama sa buhay ko para gawin itong tama na mali rin pala sa huli.

Oo. Magulo ito. Kailan ba ko hindi naging magulo? Gusto ko yung magulo talaga ako para naguguluhan din ang mga tao sa akin at makalusot ako.

Alam mo, kailangan ko nang itama ang mali. Kaya ito, itinatama ko na. Marami nga ang nagtataka… kailan ko ba daw pa napagtanto na ang inaakala kong tama ay mali pala talaga? Sabi ko na lang sa kanila… “.. nangyari ito ng tumama na ang mali.”

Ayon. Nagsitaasan ang mga kilay. Hindi na naman nila ako naiintindihan. Mabuti naman. Mas maganda yun. Mas naikukubli ang dapat ikubli. Hindi naman dahil sa naglilihim, pero may mga tao kasing kahit buhay ng iba, pinagpipiyestahan pa kaya gagawa at gagawa ng istorya.

Pero balik tayo sa pagkakamali ko. Nakita na naman kita. Bagay na talaga kayo. Maling mali kasi siya para sa’yo. Ang layo ng itsura niyo ah. Pero wala naman ako talagang magagawa. Mali man kayo para sa isa’t isa, pinagtagpo naman kayo sa tamang daan. Umpisa pa lang sabay na kayo na dumaan sa iisang daanan. Kaya ayan tuloy, naging tama ang mga pagkakamali niyo.

E tayo? Alam mo bang pareho tayong dumadaan sa iisang daanan? Iisang direksyon? Yun nga lang, naglalakad ako. Naka-kotse ka. Kaya ayun na naman, likuran mo na lang ang natatanaw ko.

May problema ka nga lang pala, na-flatan ka. Paano na yan? Siyempre, hindi mo naman iiwanan ang kotse mo sa daan. Buhay mo yun e. Kaya malalagpasan din kita. Unit-unti man. Hanggang sa mapunta ka na at maiwanan sa likod ko. At ako naman ang tinatanaw mo mula sa likuran. At pasensiya ka na. Nagmamadali ako sa pupuntahan ko, kaya hindi ako titigil sa paglakad para lang tulungan ka. Kaya mo na yan. Dadaanan ka rin ng pagkakamali mong nakakotse din. Isa pa, hindi ako puwedeng tumigil. Kailangan ko ng lumayo sa’yo. Para maramdaman mo naman kung papaano ang tumanaw mula sa likuran.

Nang wala na palang tinatanaw.

Comments

Stephaine said…
nice I like the last paragraph the most..
thank you. that's what i really felt when i was writing this one.

Popular posts from this blog

OF OBLATION MYTHS, SABLAY, PLUS A NOSTALGIC ALUMNA

A Tribute To The Moffatts Part 1: My All-Time Favorite Band

I Ship Dramione